Monday, June 21, 2010

If Only... (part II)

"Bruhita ka, Agnes!" napakislot siya sa tinuran ng nasa kabilang linya. Di man ito nagpakilala, pamilyar sa kanya ang boses ng kaibigan.
"Portia? Aba, buhay ka pa pala?" biro niyang tanong rito.
"Nag-change ka na naman ng number noh? May pinagtataguan ka na naman siguro," habol niyang biro.
Matalik niyang mga kaibigan sina Lovely at Portia. Sa college silang tatlo nagkakilala at ngayon nga ay may kanya-kanya na silang trabaho. Hindi niya akalaing magki-click silang tatlo dahil sa pagiging elitista ng mga ito. Pero nang makilala niya at makasama sa halos lahat ng pagkakataon, she found out they were just spoiled. Other than that, they were genuine friends.
"Agnes, kung may dapat mang magpaliwanag dito ikaw po 'yon. Bakit hindi ka man lang nagpasabing uuwi ka ng Davao?" may himig pagtatampong saad nito.
"Okay, I'm sorry...kasama ko si Lovely ngayon. Let's meet somewhere tonight. What do you think? Ako ang taya. Kaya it's a reunion of the Powerpuff Girls," narinig niyang tumawa si Portia at nagmamadaling nagpaalam. Parang isang batang excited mamasyal.
Alam niyang may tampo ang mga ito. Pero siyempre hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga ito ang mga nangyari sa kanila ni Francis.
Aminado siyang nawalan siya ng panahon sa mga ito.
O, 'yon nga kaya ang dahilan?
Siguro nga'y sinadya niyang 'wag masyadong makipagkeep-in-touch sa mga ito. Alam niya kasing kapag nagbalitaan silang tatlo, mapupunta lang kay Francis ang usapan.
Please I don't wanna hear anything about him anymore, protesta niya no'ong minsang nagkausap sila ni Portia sa telepono. Kaya nga minsan lang siya makipag-communicate sa mga kaibigan niya. But she knew how she missed them so much.
Agnes was wearing a black baby doll dress and a pair of red pumps. She decided to bring a sheer scarf just in case ginawin siya sa haba ng gabi. Her hair was as fabulous as ever. Hinayaan niyang nakalugay ito with big curls on it end.
Hindi siya sanay gumimik o makipagsosyalan sa Manila. Pero dala ng kanyang trabaho bilang photographer, she had to learn the 'tricks and tips' of the fashion industry and print media. At the same time, she's on her way to being a fashion editor ng pinagtatrabahuang magazine. Kaya naman most of the time, she had to dress like one of those models and socialites. Minsan nga ay napagkamalan siyang model ng isa sa mga organizers ng isang fashion show sa Shangri La no'ng minsang na-assign siyang i-cover ang naturang event. With every thing in this world to be thankful about, she was glad she had chosen this path.
She did everything para makalimutan ang nakaraan. And all she believed in, Patay na ang dating Agnes...
Lagi niyang isinisiksik sa utak niya na hindi na niya mahal si Francis. All she could hope for is for the man to be happy whoever he is with.
"Agnes! Wow, ang ganda mo babae ka," manghang saad ni Portia nang magkita silang tatlo sa Jack's Ridge, isa sa mga paborito nilang tambayan noong college pa sila.
Nauna silang dumating ni Lovely sa resto-bar ng naturang resort. Aside from the sumptuous array of food, gustung-gusto nilang makinig ng live band kung saan pwedeng makinig ng mga paborito nilang kanta ang mga costumers. Sa bandang kanan ng maliit na stage matatagpuan ang isang mini bar.
"Thanks, ikaw din. You look good, the two of you, actually," she uttered with full sincerity. Hindi naman nagpahuli ang dalawang kaibigan niya, sabihin pang sanay ang mga ito sa night life.
"Na-miss ko kayong dalawa," maluha-luha niyang pahabol.
"Asus, mag-dadramahan ba tayo rito? Humanap na nga lang tayo ng mauupuan. Parang magsisimula na ang live band any minute from now," putol ni Portia sa iba pa niyang sasabihin. Kahit kelan ayaw nito ng maraming kadramahan sa buhay.
Humanap sila ng table na malapit sa stage para tanaw na tanaw nila ang bandang tutugtog ng gabing 'yon. Umorder siya ng vodka para sa kanilang tatlo. Nagsimula nang tumugtog ang banda.
Maya-maya pa'y tumayo si Portia, tinungo ang stage at kinausap ang isa sa mga vocalists ng banda na katatapos lang ng isang kanta. Nagulat pa siya nang magsalita ito sa microphone.
"Ammm, good evening everyone. I just wanna take this opportunity to greet and welcome my long lost friend, Agnes Quintero. she just came back from Manila, actually," buong siglang saad ni Portia na para bang isa siyang pulitikong nangangampanya.
Nagulat man ay pinandilatan niya si Portia ngunit 'di ito pinansin ng huli. Pagkuway sumenyas na tumayo siya.
"C'mon Agnes, it's not a bad idea, anyway," pangungumbinsi ni Lovely sa kanya na bahagya ring nagulat sa ginawa ni Portia.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan at pumihit paharap sa mga tao. Inulan siya ng mga hiyawan at palakpakan lalo na sa mga kalalakihang nakaupo sa likuran nila. Wala siyang nagawa kundi ngumiti at pagkuwan ay umupo. Hindi niya tuloy napansin ang bulto ng isang lalaki na nasa bandang likuran nila. Maging ito ay nagulat. Nakilala niya agad si Portia pero di niya inaasahang andito rin ang babaeng pilit niyang kinakalimutan - si Agnes.
You have changed a lot, Agnes, bulong ni Francis sa kanyang sarili habang tinititigan ang babaeng minsa'y naging bahagi ng buhay niya. He had always loved that simple lady na nakilala niya noon pero sa tingin niya'y nagbago na si Agnes. Ang tanging alam niya tungkol dito ay nagtatrabaho ito sa isang women's magazine sa Manila.
How could he forget her? She left a scar on his heart na hanggang ngayon ay 'di pa rin naghihilom dumaan man ang mga taon.
"Girls, got to go to the rest room," nagpaalam muna sandali si Agnes sa mga kaibigan. She needed to freshen up. Instead of going back to the resto-bar, ipinasya niyang maglakad-lakad sa buong resort. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. Sa ilalim ng maliwanag na buwan, she could take a nice view of the whole place. Medyo madilim sa bahaging iyon ng resort pero ayos lang sa kanya. It was all that she needed, a quiet place. Tanaw niya ang boung siyudad. The cold breeze of the wind was caressing her. It is surely a great place to getaway from a chaotic day.
Na-miss ko ang lugar na 'to and it feels good to be back, bulong niya sa sarili at saka ngumiti.
matagl-tagal din siyang nakatayo doon. The place is so memorable to her. Madalas din silang mamasyal ni Francis sa naturang resort - and those were bitter-sweet memories.
Francis...she whispered his name in the air.
"Did you just say my name?" blangko ang tonong sinabi ng nagsalita.
Napakislot siya. She knew that voice, the voice she missed all the time.
Natigilan siya. She tried to convince herself na baka dala lang 'yon ng nainom niya o kaya'y ng hangin. Pero hindi e, there was somebody behind her.
Her world went to a slow motion when she turned around and saw the person she least expected to see that night.
She just stared at him. Biglang nablangko ang utak niya. Her heart was beating erratically. Much more with anything ay gusto niyang makita ang binata. Ngunit hindi sa ganoong hindi inaasahang pagkakataon.
"Hey, have you lost your tongue?" blangko ang expresyon sa mukha ng kaharap.
Oh, my God! sigaw ng utak niya.
She had to hold on to her guts and confidence. Pero parang nalulusaw 'yon sa mga sandaling 'yon.
"I-I didn't know ---"
"Kumusta ka na?" biglang tanong nito sa kanya.
"I-I'm fine," nagkakandabulol na sagot niya.
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Nakikita ko nga," she smiled sarcastically.
His tone was different. Even his eyes showed something unclear to her. Hindi siya sigurado, pero ang alam niya'y galit pa rin ito sa kanya.
"Excuse me, I have to go back to ---"
"Hindi ba kayo nagkatuluyan ni Ryan?" saad ng binata nang akmang aalis siya.
"Francis, please ---" nagulat siya nang tabigin nito ang braso niya at marahas na humarap sa kanya.
"Dammit, Agnes!" she saw anger in his eyes. Napaatras siya dahil pakiramdam niya ay sasaktan siya nito.
"Francis, nasasaktan ako," aniya sa nahihirapang tinig. Ramdam niyang nakainom ang binata.
"You know me very much, Agnes. Ayokong manakit ng tao pero sa kasalanang nagawa mo sa 'kin hindi ko maipapangakong hindi kita kayang saktan."
Tinangka niyang lumayo rito ngunit ayaw siya nitong pakawalan.
"Hindi. Hindi kami nagkatuluyan ng pinsan mo," she answered coldly.
Nagpakawala ito ng pagak na tawa.
"Well, I have a theory. Hindi ka ba nakontento sa bank accounts ng pinsan ko so you dumped him just like what you did to me?" may panunuyang saad nito.
Nagkakamali ka! sigaw ng buo niyang pagkatao.
Pero mas mabuting hindi na malaman pa ng binata ang totoo.
"Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin? Kung galit ka pa rin sa akin dahil sa mga nangyari noon, pinagsisihan ko na 'yon. I never meant to hurt you, Francis. May kasalanan ako. Pero hindi 'yon sapat para insultuhin mo'ng pagkatao ko," galit at umiiyak na sabi niya.
"Narinig ko na ang dapat kong marinig," malamig na saad nito. Pagkuwan ay bigla itong tumalikod at umalis.
Naiwan siyang tulala at lumuluha.

(part III is being encoded...^_^)







No comments: