Saturday, March 20, 2010

If Only... (part I)

"Good morning to all passengers! Please fasten your seatbelt 'coz few minutes from now we are about to land at Davao International Airport . Hope you enjoy your trip and have a nice day!"
Biglang nanumballik sa kasalukuyan mula sa malalim na pagmumuni- muni si Agnes nang magsimulang magsalita ang isa sa mga playt attendants ng Philippine Airlines. Matapos mapakinggan ang maamong boses ng
babae, masasalamin sa kinauupuan niya ang tensiyong di niya halos maipaliwanag. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dala marahil ng galak sapagkat matapos ang maraming taon ay muli siyang tutuntong sa lupang pinaglak’han sakbibi ang mga pagbabago. Nasasabik din siyang makita ang mga kaibigan niya.
Lima . Limang taon na pala ang lumipas. Parang kahapon lang nangyari ang lahat…” bulong ni Agnes sa sarili habang malayang tinatanaw mula sa bintanang eroplanong sinasakyan ang malawak na himpapawid.
Mula doo’y kita niya ang malawak na lupain ng Mindanao na napapaligiran ng mga bundok at dagat. Kaaya- ayang tignan. Sawa na siya sa mga naglalakihang gusali sa Manila . Pero natitiyak niyang hindi kung bakit siya uuwi. Siyempre hindi. Sa likod ng kanyang isipan muling nanumbalik and isang tagpong pilit niyang ibinaon sa limot.Parang nakakabinging alingawngaw mula sa kung saan and mga katagang minsa’y pumunit sa kanyang pagkatao.
“And you expect me to believe that?” he snapped.
Si Agnes ang unang nagbaba ng tingin dahil puno ng pag-uusig ang mga mata nito.
“But I only did that to protect you, Francis!” garalgal ang tinig na sabi niya.
What more could she say to defend herself?
“Mahal kita pero im too tired and mad to think about you right now. Kung hihingi ka man ng tawad ngayon, wala ning magbabago. You’ve done too much, Agnes. Tama na,” isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kanya bago humakbang palayo.
“Francis…” mahinang sambit niya sa pangalan ng lalaki.
But he was too angry to listen.
Paano niya maipapaliwanag ang kasalanan!
“Bakit mo nagawang maniwala sa iba, Francis” pigil ang mga luhang sambit niya.
Habang papalayo ang lalaki, isang masaganang luha ang dumaloy sa kanyang mga pisngi.

Wala na ang lalaking labis kong minahal at halos sambahin ko.
She stiffened for seconds. Malamig ang simoy ng hangin noon na parang nagbabadyang umulan.
Maya-maya pa’y naghahanda na ang mga pasahero sa paglanding.
Nang mailapag ng eroplano ang sarili sa malapad na paliparan.
“This way ma’am,” nakangiting salubong ng isang binatilyong gard habang tinuturo nito ang arrival area upang kunin ang iba pa niyang dala.
Isang surprise ang pag-uwi niya kaya pumara siya ng isa sa mga taxi na nakahilera sa labas ng aireport. Habang binabagtas ang kahabaan ng Bajada, napansin ni Agnes ang malaking pagbabago sa lungsod. Namiss niya tuloy ang dati niyang buhay bago pa mag desisyong lumuwas ng Manila .
“Mama!” tila nagulat pa ang mama ni Agnes nang makita niya. Trienta lang ang biyahe mula pauwi sa bahay nila.
“Tetet? Tetet ikaw nga!” gulat ngunit nakangiting tanong ni Aling Diding gamit ang palayaw niya.
Sabik na niyakap niya ang ina. May kanya - kanya ang nang trabaho at pamilya ang maga kapatid ni Agnes kaya ang mga magulang lang nila ang nakatira sa kanilang bahay. Maging ang ama niya ay nagulat din sa di inasahan niyang pag-uwi.
Dahil sa labis na namiss ang isa’t-isa, ginugol nila nag buong maghaponsa pagkukwentuhan. Pinag-usapan nila ang tagumpay at karanasan ni Agnes sa Manila bilang isang photographer ng isang sikat na fashion magazine. Paminsan-minsan ay pumupunta siya sa Singapore dahil doon nakabse ang main office ng naturang magazine.
Where on earth did you hide yourself, Agnes?” tila may bahid na pagtatampo sa boses ni Lovely nang makipagkita siya sa kaibigan ilang araw mula ng nang makauwi siya.
“Si Francis ba ang dahilan?” Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ng kaharap.
Nasa MTS Park sila noon habang tanaw ang mga taong namamasyal din sa naturang parke.
“Oie, alam mo na ba…”
“He hates me so much kaya di ko na inaasahan pang magkikita kami ulit,” putol niya sa iba pang sasabihin ng kaibigan. Alam niyang may ibabalita ito tungkol sa dating kasintahan.
“Agnes, sarado sa paliwanag ang buong pusong nasaktan. Nakakagawa tayo o nakakapagsalita nang di na pinag-iisipan. Kung galit siya sa’yo, noon iyon pero malay mo iba na ngayon. Panahon lang naman ang laging gamot sa sakit eh."
"At isa pa ---” may sasabihin pa sana ang kaibigan nang biglang tumunog ang cellphone ni Agnes.

Itutuloy…^_^



No comments: